Bulkang Bulusan, ‘normal’ na ang status—PHIVOLCS

Bulkang Bulusan, ‘normal’ na ang status—PHIVOLCS

‘NORMAL’ na ang alert level status ng Bulkang Bulusan ng Sorsogon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes, Nobyembre 12, 2024.

Sa monitoring ng PHIVOLCS, nasa zero hanggang lima lang na average volcanic earthquakes ang kanilang naitatala dito mula noong Agosto.

Simula rin nang itinaas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan noong Oktubre 25, 2023, nasa 76 tonelada lang ang average sulfur dioxide emission dito.

Sa kabila nito ay ipinaalala ng PHIVOLCS na mainam kung hindi pumasok sa four-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan upang maiwasan ang biglaang volcanic activity gaya ng phreatic eruption, landslide at iba pa.

Samantala, nakapagtala naman ng dalawang pagbuga ng abo na umabot ng 4 hanggang 11 minuto ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands.

Nakapagtala rin ng 19 volcanic earthquakes mula rito at walang patid na pagsingaw na aabot ng 600 metrong taas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble