Bumuhos ang Suporta: Dagsa na sa mga supporters ang Campaign Rally ni Pastor Apollo Quiboloy sa Trece Martires, Cavite

Bumuhos ang Suporta: Dagsa na sa mga supporters ang Campaign Rally ni Pastor Apollo Quiboloy sa Trece Martires, Cavite

TRECE MARTIRES, CAVITE – Sunod-sunod na ang pagdating ng mga tao sa Collegio de Amore Gym sa Trece Martires, Cavite ngayong araw para dumalo sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Mula pa sa iba’t ibang barangay ng Cavite, nagsimula nang dumagsa ang mga tagasuporta. Sa kabila ng matinding init at trapiko, hindi nagpigil ang mga taga-suporta na makiisa sa kilusang isinusulong ng DuterTEN Senate slate.

Halos mapuno na ang Collegio de Amore Gym ilang oras bago opisyal na magsimula ang rally. Makikita ang sigasig ng mga dumalo sa pagsalubong sa mga kinatawan ng kampanya ni Pastor Quiboloy.

Bukod kay Pastor Quiboloy, inaasahan ring magpapahayag ng kanilang suporta ang ilang lokal at pambansang kandidato mula sa PDP Laban “DuterTEN” slate, na isinusulong ang adbokasiyang anti-korapsyon, reporma sa edukasyon, at matatag na pamahalaang lokal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter