TULOY-tuloy pa rin ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpapa-deport ng mga naarestong dayuhan mula sa illegal POGO operations.
Sa panayam kay BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac, sinabi nitong maaari nang mapa-deport ang mga POGO workers kung may available na direct flight.
Dagdag pa niya, kapag nakumpleto na ang clearance, travel documents, at kung wala nang pananagutan sa anumang kaso sa Pilipinas, agad silang ide-deport.
Ayon kay Mabulac, halos kada linggo ay may mga banyagang naipapa-deport ang ahensiya. Kamakailan lang, ilang Indonesian ang kanilang naipauwi sa kanilang bansa.
“Opo, tayo naman po, ang direktiba sa deportation, dapat mapadeport agad natin. At yung kanilang flight dapat ay direct flight na kung may available to avoid yung nangyari na kung saan sila nag-attempt na makatakas kung mayroong connecting. At as soonest na magkaroon tayo ng ticket, mayroon na tayong clearance, mayroon na tayong travel documents, at wala na silang pananagutan mula sa mga kaso dito sa atin, sila po ay ide-deport kaagad natin,” pahayag ni Melvin Mabulac, Deputy Spokesperson, Bureau of Immigration.
Follow SMNI News on Rumble