BUTUAN CITY — Isang makulay at masiglang motorcade ang isinagawa sa Butuan City bilang pagpapakita ng suporta para kay Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, ngayong araw, Mayo 3, 2025. Mainit na sinalubong ng mga residente ang convoy habang dumaraan ito sa mga pangunahing kalsada ng lungsod.
Kasama sa motorcade si Atty. Israelito Toreon, isa sa mga aktibong tagapagtaguyod ng kampanya, na sabay ring nakiisa sa pagdiriwang ng suporta mula sa mga Butuanon.
Ang motorcade ay bahagi ng huling bugso ng kampanya ng Ayusin Natin ang Pilipinas Movement, na layuning ilapit sa publiko ang plataporma ni Pastor Apollo ukol sa disiplina, moralidad, at makabayang pamumuno.