Cagayan de Oro Flood Forecasting Center, mas pinatatag ang babala kontra baha

Cagayan de Oro Flood Forecasting Center, mas pinatatag ang babala kontra baha

MAS pinaigting ng Cagayan de Oro Flood Forecasting Center ang kanilang operasyon sa gitna ng tumitinding banta ng baha dulot ng pabagu-bagong lagay ng panahon matapos ang inagurasyon nito noong Biyernes sa pangunguna ng Japan Ambassador Endo Kazuya at DOST Sec. Renato Solidum Jr.

Layunin ng ahensiya na maprotektahan ang mga komunidad sa rehiyon sa pamamagitan ng mas maagang pagbibigay ng babala at datos ukol sa taas ng tubig sa mga pangunahing ilog.

Ayon sa pamunuan ng center, ginagamit na ngayon ang makabagong teknolohiya gaya ng automated rain gauges at river monitoring systems upang mas maging mabilis at tumpak ang forecast.

Kasama sa kanilang ginagawa ang real-time na pagsusuri ng datos at agarang pagpapalabas ng abiso sa mga lokal na pamahalaan para sa kaukulang aksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble