Cash grants ng 4PS, magkakaroon ng adjustment—DSWD

Cash grants ng 4PS, magkakaroon ng adjustment—DSWD

MAGKAKAROON ng adjustment ang cash grants sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS).

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakabase ang adjustment sa parameters na ibibigay ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Institute for Development Studies.

Target ng magiging adjustment ang magamit parin ng mga benepisyaryo ang pera sa mga pangangailangan nila na nakasaad sa programa kahit pa magkaroon ng increase sa presyo ng bilihin o anumang sirkumstansya sa larangan ng ekonomiya.

Sa kasalukuyan, batay sa cash grants, 750 pesos ang para sa health; 300 pesos bawat anak na nag-aaral ng elementary; 500 pesos bawat anak na nasa junior high school; 700 pesos bawat anak na nasa senior high school; at 600 pesos para sa rice subsidy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble