KASALUKUYANG nasa Australia si 2018 Miss Universe Queen Catriona Gray para ipagdiwang ang holiday season.
Para kay Catriona, isang blessing ito mula sa Panginoon dahil nagkaroon siya ng malaking oras para makasama ang kanyang pamilya.
Aniya, maituturing na gift para sa kanya ang holiday season na ito ng taong 2022 dahil napupunan niya ang mga panahong wala siya sa tabi ng kanyang ina at ama.
Nitong Abril nang unang tumungo si Catriona sa Australia matapos ibinahagi nito ang isang larawan ng kanyang ama na may dextrose needle sa kamay.
Hindi na ibinahagi ng beauty queen kung ano ang dahilan ng pagkaka-ospital ng kanyang ama.