Cebu Pacific at Flyadeal ng Saudi Arabia nagkasundo para sa commercial partnership

Cebu Pacific at Flyadeal ng Saudi Arabia nagkasundo para sa commercial partnership

LUMAGDA ng isang kasunduan ang Cebu Pacific at ang Saudi Arabian low-cost carrier na Flyadeal para sa isang commercial operation partnerships.

Sa ilalim ng kasunduan ay pag-aaralan ng dalawa ang pagpaparenta sa isa’t isa ng eroplano kasama ang piloto, crew, maintenance, at insurance.

Sa kasunduang pagpaparenta, maaaring gagamitin ng Flyadeal ang dalawang Airbus A320 ng Cebu Pacific para sa paparating na summer peak season sa Saudi Arabia.

Tinitingnan din ng Cebu Pacific ang posibilidad na gamitin ang A320 ng Flyadeal tuwing winter season sa Southeast Asia.

Kasama rin sa kasunduan ang posibleng kooperasyon sa larangan ng maintenance at engineering.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble