Cebuanos sa Toledo, Handa Na sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Rally

Cebuanos sa Toledo, Handa Na sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Rally

TOLEDO CITY, CEBU — Ilang araw na lang bago ang Eleksyon 2025, at damang-dama na ang sigla at pagkilos ng mga botante sa Barangay Talavera, kung saan gaganapin ngayong araw ang “Ayusin Natin ang Pilipinas Nationwide Rally” sa Talavera Sports Center.

Sa gitna ng umaalab na kampanya, umaasa ang mga taga-Cebu na sa pamamagitan ng pagboto sa mga nararapat, matitikman na rin ng sambayanang Pilipino ang matagal nang inaasam na hustisya, kaayusan, at tunay na serbisyo publiko.

Ang nasabing rally ay inaasahang dadaluhan ng mga supporter ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement, mga local alliances, at mga lider ng kampanyang “Ayusin Natin ang Pilipinas.” Bahagi ito ng sabayang pagtitipon sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang pagtatapos sa campaign caravan.

Habang papalapit ang halalan, nananatiling buhay ang panawagan para sa pagbabagong konkretong mararamdaman — isang mensaheng nais iparating ng kilusan sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble