Cha Eun-woo sasabak sa mandatory military service

Cha Eun-woo sasabak sa mandatory military service

MALAPIT na ngang mag-break sa kaniyang career si Cha Eun-woo dahil gagampanin muna niya ang kaniyang tungkulin. Mag-e-enlist na kasi siya sa mandatory military service ngayong Hulyo 28.

Sa statement na inilabas ng kaniyang agency, pinasalamatan nila ang fans ni Eun-woo sa kanilang suporta sa singer-actor pati na sa buong grupo ng ASTRO.

Sinabi rin ng agency na magiging parte ang actor ng Army Military band bilang parte ng kaniyang military service. Nag-apply aniya si Eun-woo para makasama sa military band at nakatanggap din ng acceptance notice mula sa Military Manpower Administration. Bago nito ay dadaan muna ang aktor sa basic military training bago makapag-report sa military band.

Bagama’t gusto ng fans na ma-meet si Eun-woo sa huling pagkakataon, hindi naman ilalabas sa publiko ang oras at lokasyon ng araw ng enlistment ni Eun-woo para maiwasan umano ang congestion at mga aksidente.

Umaasa ang kaniyang agency sa suporta at encouragement ng fans para sa aktor kasabay ng kanyang military duty.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble