NAGAWANG payukuin ang Charlotte Hang Los Angeles Lakers sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na NBA regular season ngayong Huwebes.
Sa kanilang laro, kontrolado ng Lakers ang first half na nagtapos sa iskor na 48-37.
Ngunit pagpasok ng second half, naging comeback sa Hornets ang third quarter matapos makagawa ng 32 points kumpara sa 18 points ng L-A.
Dahil dito, hawak ng koponan ang 3 points lead.
Sa last 6 minutes ng kanilang laro, naging mainit ito sa palitan ng score kung saan nanaig nga ang Hornets.
Tumulong sa panalo ng koponan sina Miles Bridges at Lamelo Ball na may 56 combined points.
Follow SMNI News on Rumble