NAARESTO ng Bureau of Immigration sa Cagayan de Oro ang isang Chinese national na hinihinalang may koneksiyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nangyari ang pag-aresto noong Mayo 21, 2025 dahil umano sa pagpapanggap ng Chinese bilang isang Pilipino.
Sa ginawang background checking ay dito nadiskubre na ang Chinese national ay incorporator ng Phil-Sanjia Steel Corporation.
Ito ay isang kompanyang iniimbestigahan dahil sa umano’y ugnayan nito sa mga POGO.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang lawak ng posibleng koneksiyon ng Chinese national sa operasyon ng mga POGO sa Pilipinas.