HINDI maitago ang panghihinayang ng content creator na si Chito Samontina matapos hindi mabilang ang kaniyang boto sa pagka-senador.
Ayon sa kaniya, siguradong 12 lang ang kaniyang binoto, pero ‘overvote’ pa rin ang lumabas sa resibo.
Bagamat dismayado, hinikayat pa rin niya ang mga kababayan na huwag mawalan ng pag-asa at ipaglaban ang karapatang bumoto.