NAGAWANG talunin ng Choco Mucho ang PLDT sa loob ng nakakapanabik at mainit na 5 sets sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
Sa loob ng 5 sets ay naging dikit ang laban sa pagitan ng Flying Titans at High Speed Hitters na nagtapos sa iskor na 25-27,25-22,18-25,25-22, at 17-15.
Nagpasabog ang import ng Choco Mucho na si Odi Aliyeva ng 30 points mula sa 27 attacks, 3 blocks at 26 receptions.
Nakipagtunggali ito sa import ng PLDT na si Elena Samoilenko na nagpasabog naman ng 35 points na siyang naging pinakamainit na laban sa loob ng 2 linggo.
Nag-ambag naman ng 16 points si Kat Tolentino upang suportahan sa scoring department si Aliyeva.
Sa panalong ito ng Choco Mucho, mas naging maganda na ang standing nito na mayroong 2-1 record.