CIDG Chief Maj. Gen. Torre, nahaharap sa kasong kriminal

CIDG Chief Maj. Gen. Torre, nahaharap sa kasong kriminal

MAYNILA – Nahaharap ngayon ang hepe ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) na si Director Maj. Gen. Nicolas Torre III sa mga kasong kriminal.

Dahil ito sa iligal na pagkulong sa isang negosyante sa loob ng anim na araw base lamang sa photocopy ng red notice mula sa International Police Organization (INTERPOL).

Sa ulat, noong marso nang magsampa ng reklamo ang isang Rotchelle Calle laban kay torre at siyam na iba pang opisyal ng CIDG para sa unlawful arrest at arbitrary detention.

Nakasaad sa reklamo ni calle na iligal syang ikinulong ni torre simula november 21 hanggang 27, 2024 matapos maglabas ang INTERPOL ng red notice laban sa kanya noong may 2, 2023.

Ang red notice ay nag-ugat naman sa kasong inihain laban kay calle ng kanyang dating kasosyong si Abdulmalek Alshihhim Sa United Arab Emirates.

Nang isilbi na ang red notice sa kanya noong november 19, 2024 ay sinabi umano ng mga tauhan ng CIDG na hindi sya dadalhin sa Bureau of Immigration kung magbibigay ng pamasko.

Ngunit tumanggi si Calle rito kung kaya’t pagkalipas ng dalawang araw ay pitong tauhan ng CIDG ang umaresto sa kanya sa city hall sa Makati.

Habang nakakulong ay nakaranas ang negosyanteng si Calle ng hindi makataong kalagayan.

Sa isang liham noong November 26 ay nanawagan ang Public Attorney’s Office (PAO)-Quezon City kay Torre na palayain na si Calle dahil wala pang naipapakitang kautusan ng korte o warrant of arrest mula sa mga awtoridad sa Pilipinas o sa UAE.

Nang makalaya na ay pinapirma umano si Calle sa isang salaysay na nagsasaad na kusa syang sumuko sa mga pulis.

Samantala, hindi dumalo si Torre at ang kanyang mga tauhan sa itinakdang preliminary investigation ng piskalya ng Makati noong April 21 at 28, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble