Climate-resilient na mga school facility, kailangan nang maitayo—Sen. Sherwin Gatchalian

Climate-resilient na mga school facility, kailangan nang maitayo—Sen. Sherwin Gatchalian

KAILANGAN nang magtayo ng climate-resilient school facilities dahil madalas na nakararanas ang bansa ng mga kalamidad gaya ng bagyo.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, nagiging sanhi pa ito upang maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.

Sa ulat na ibinahagi ng Department of Education (DepEd), noong 2024 lang ay halos 1,855 na paaralan ang nasira dahil sa mga kalamidad.

Nangangailangan ang mga ito ng P6.6B para maipa-repair, habang P5.3B naman ang kailangan sa 1,800 na silid-aralan na kailangang palitan.

Iyon nga lang, nasa P3B lang ang quick response fund ng DepEd at kulang na kulang pa anila ito para maisaayos ang mga nasirang paaralan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble