NASA 80% o humigit-kumulang 57.6M na sa 72M balota ang naimprinta para sa midterm elections, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ng COMELEC na posibleng matapos na nila ang pag-iimprenta ng lahat ng balota sa Marso 14 o 15.
Ang manual at machine verification process ng mga balota ay inaasahang makukumpleto sa Abril.
Sakaling may mga balotang napatunayang may depekto, agad itong muling iimprenta. Sisirain naman agad ang mga depektibong balota.