COMELEC Davao, sinimulan na ang distribusyon ng Starlink Kits at Solar Panels sa voting centers

COMELEC Davao, sinimulan na ang distribusyon ng Starlink Kits at Solar Panels sa voting centers

NAGSIMULA na ngayong araw ang distribusyon ng mga Starlink Wi-Fi kits at solar panels mula sa storage site ng COMELEC Davao patungo sa mga piling voting center.

Isasagawa ang installation upang matiyak ang maayos na konektibidad para sa nalalapit na halalan.

Una nang na-install ang mga kagamitan sa Bolton Elementary School, at susunod naman ang Magallanes Elementary School, Wireless Elementary School, gayundin ang mga voting center sa Bucana Proper at Kabacan, Bucana.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble