COMELEC handa na para sa gagawing plebesito sa Maguindanao

COMELEC handa na para sa gagawing plebesito sa Maguindanao

ALL set na ang Commission on Elections (COMELEC) sa mangyayaring plebesito sa Maguindanao sa araw ng Sabado.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, naipadala na doon ang mga kakailanganing kagamitan sa pagdadaos ng plebesito.

Ang plebesito ay gagawin para maratipikahan ang batas para sa paghahati sa Maguindanao sa dalawang probinsya at nakadepende ito kung mayorya sa mga boboto ay papabor dito.

Ayon kay Garcia, ang kaniyang personal na titiyakin ay ang magiging seguridad sa magaganap na plebesito.

Sa kabila nito nagpasabi na aniya ang PNP at AFP na magiging matiwasay ang mangyayaring botohan sa Maguindanao.

Sa datos mayroong 900,000 na registered voters sa Maguindanao na maaring lalahok sa plebesito.

Sakali namang mayorya sa mga ito ay papayag na mahati ang Maguindanao sa dalawang probinsya ay mayroong katanungan kung sino ang pansamantala o permanenteng mamununo sa mga ito.

Pero ang COMELEC, wala pang maibigay na sagot lalo pa’t walang nangyaring plebesito bago ang 2022 National at Local Elections.

Sa ngayon ang mahalaga aniya ay ang tagumpay ng mangyayaring plebesito.

Umaasa si Garcia na tulad ng plebesito sa Calaca Batangas ay magkakaroon sila ng mataas na voter turn-out lalo pa’t gagawin ang plebesito sa araw ng Sabado.

Tiwala rin si Garcia na sapat ang ginawa nilang information drive para malaman ng lahat ng mga residente na may plebesito na magaganap sa kanilang lugar.

Sinabi naman ni Garcia na magaganap ang canvassing ng boto sa Provincial Capitol sa Buluan Maguindanao.

Inaasahan ng COMELEC na sa Agosto 18 mailalabas ang resulta ng plebesito.

Follow SMNI NEWS in Twitter