COMELEC, nanindigan sa resolusyon na nagdidiskwalipika sa Smartmatic

COMELEC, nanindigan sa resolusyon na nagdidiskwalipika sa Smartmatic

NANINDIGAN ang Commission on Elections (COMELEC) sa inilabas nilang resolusyon na nagdidiskwalipika sa Smartmatic sa anumang bidding patungkol sa 2025 Automated Elections System (AES).

Humarap sa isang Pulong Balitaan sina COMELEC Chairman George Garcia kasama ang apat na commissioners nito na pumabor sa diskwalipikasyon.

Giit ni Garcia, kailangan nilang patunayan sa mga botante na mapagkakatiwalaan ang eleksiyon at may kredibilidad ang mga opisyal nito.

Crucial aniya ang kaso na ito dahil electoral process ang nakasalalay rito.

Nilinaw naman ng COMELEC na wala itong magiging epekto sa gagawing bidding para sa bagong AES.

Dahil sa pagkakadiskwalipika sa Smartmatic, may dalawang kompanya na lang ang natira na nagpahayag ng interes sa pagsali sa bidding, pero umaasa ang COMELEC na madadagdagan pa ito.

Samantala, itinanggi ng COMELEC na unfair ang kanilang desisyon na i-diskwalipika ang Smartmatic.

Tiniyak naman ng poll body na handa silang i-akyat ang usapin sa Korte Suprema.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble