COMELEC, tiniyak na walang mangyayaring failure of election

COMELEC, tiniyak na walang mangyayaring failure of election

NAGBIGAY ng babala si Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia sa mga nais manggulo sa halalan ngayong araw.

“This is a warning. Not only in Abra but in the entire country. The COMELEC means business and therefore don’t mess with our business,” ani Atty. George Erwin Garcia, Chairman, COMELEC.

Isang araw bago ang mismong araw ng halalan ay tiniyak ni Garcia na walang mangyayaring failure of elections sa bansa.

Ito ay sinabi ni Garcia sa gitna ng mga nangyaring election related incident sa ilang lugar bago ang mismong araw ng halalan.

Ani Garcia nakipag-ugnayan na ito sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba pang kaukulang ahensiya ng pamahalaan para masiguro na mapayapa ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“Ang importante lang, pinakiusapan natin ang chief PNP, at Armed Forces ,baka pwede nga ‘yung mga foot soldiers  mag-ikot. Hindi sapat na nasa checkpoint lang ‘yung kapulisan natin,” dagdag ni Garcia.

PNP, mas hinigpitan pa ang seguridad sa Abra para sa BSKE

Sa lalawigan ng Abra, bagama’t itinanggi ni Chairman Garcia ang karamihan sa mga sumbong ng election related incident tulad ng pag-atras ng mga magsisilbing electoral board, kandidato, at umano’y presensiya ng mga armadong grupo ay pinaigting naman ang seguridad doon.

Araw ng Linggo ay binista ng COMELEC ang probinsiya, kasama si PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr.

Sa Abra, 300 pulis ang idinagdag bilang bahagi ng augmentation unit.

96 nito ay mula sa Special Action Force, 200 mula sa Regional Office, at 30 mula sa iba pang probinsiya.

Babantayan nila ang mga polling precinct at checkpoints.

Ang 30 guro na ayaw magsilbi bilang board of election inspectors ay pinalitan na ng PNP personnel.

Pinalitan na rin ang chief of police ng Abra na ayon kay Garcia ay nasa yellow category.

Ang yellow category ng COMELEC ay nangangahulugan na may presensiya ng partisan na mga armadong grupo sa lugar sa nagdaang halalan. O dati na rin itong isinailalim sa kontrol ng COMELEC.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter