LUSOT na sa House Committee Constitutional Amendments ang committee report at draft bill para sa Resolution of Both Houses 6 para magsagawa ng hybrid Constitutional convention (Con-con) para amyendahan ang 1987 Constitution.
Sa ilalim ng hybrid Con-con, maghahalal at mag-appoint ng delegates para amyendahan ang Saligang Batas.
Sa pinakabagong bersyon, nasa 304 delegado ang bubuo sa Con-con at mayorya sa mga ito ay ihahalal ng taumbayan.
Kasama rin sa panukala ang pagbibigay ng P10,000 na daily salary o arawang sahod para sa bawat Con-con delegate.
Gumagalaw ngayon ang Kamara para luwagan ang economic restrictions ng 1987 Constitution para makapagpapasok pa ng mas maraming foreign direct investments sa bansa.
Nauna namang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang Charter change (Cha-cha).