Cong. Arnie Teves, wala nang dapat ikabahala sa kaniyang seguridad—Atty. Roque

Cong. Arnie Teves, wala nang dapat ikabahala sa kaniyang seguridad—Atty. Roque

TINIYAK na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang magiging kaligtasan ni Negros Oriental Cong. Arnie Teves at sa pamilya nito.

Ang dapat na lang na gawin ay umuwi ang kongresista sa bansa ayon kay Atty. Harry Roque.

Binigyang-diin din ni Roque na wala na talagang dapat ikabahala si Teves at dapat manalig siya sa mga binitawang salita ni Pangulong Marcos.

Mababatid na pinayuhan ni Pangulong Marcos si Teves na umuwi na ng bansa at harapin ang mga alegasyong ipinupukol sa kaniya.

Ayon kay Pangulong Marcos, habang tumatagal ang pag-uwi ni Teves, tiyak na mas magiging mahirap ang sitwasyon nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter