BINUKSAN na muli ang consular mission ng Pilipinas sa Gaborone sa Botswana.
Ipinasara ito noong march 2022 upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang muling pagbubukas ay sumisimbolo sa mas malalim na ugnayan ng Pilipinas at Botswana.
Tinatayang nasa 200 na mga Pilipino ang nasa Botswana ayon sa Department of Foreign Affairs.
Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang engineers, supervisors, mga negosyante, medical professionals, guro, mga misyonaryo, at iba pa.