COVID-19 inspection sa Malaysia, natapos na

COVID-19 inspection sa Malaysia, natapos na

INIHAYAG ni Home Affairs Minister Dato Seri Hamzah Bin Zainudin na natapos na ang pagpatutupad ng OPS Patuh dito sa Malaysia dahil ang bansa ay kasalukuyan nang lumilipat sa endemic phase.

Ang OPS Patuh o Operation Compliance Monitoring ay ipinatupad noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic upang pigilan ang hindi pagsunod sa standard operating na ipinatutupad ng bansa.

Ayon kay Zainudin, ang COVID-19 Movement Control Order o MCO SOP Enforcement and Compliance Coordination Committee ay itinatag upang pakilusin ang OPS Patuh, na inilunsad noong Hunyo noong nakaraang taon.

Sinabi rin ni Zainudin na natapos na ang pagpatutupad ng OPS Patuh nitong Hunyo 25.

Bukod pa rito, sinabi ni Zainudin na nagpasya rin ang gobyerno na wakasan ang appointment ng mga opisyal na pinahintulutan sa ilalim ng Prevention and Control of Infectious Diseases Act 1988 noong Hunyo 30.

Habang ang bansa ay lumilipat sa endemic phase, patuloy na makikipagtulungan ang health ministry sa pagpatutupad ng mga SOP at transition protocol sa ilalim ng Police Act 1967.

Samantala, simula nang ipatupad ang Ops Patuh hanggang nitong Hunyo 25 ay may kabuuang 5.55 milyong inspeksyon ang isinagawa dito sa bansa.

Follow SMNI News on Twitter