COVID-19 nanatiling public health emergency of international concern

COVID-19 nanatiling public health emergency of international concern

NANATILING public health emergency of international concern ang COVID-19 batay sa World Health Organization (WHO).

Ayon sa WHO masyado pang maaga para tanggalin ang pinakamataas na alerto para sa COVID-19.

Matatandaan na noong January 2020 nang idineklara ang COVID-19 pandemic bilang public health emergency of international concern.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na batay sa Emergency Committee kailangan pang paigtingin ang surveillance, at ang pagtetest para sa COVID-19.

Saad pa nito na sa kabila na may improvement sa COVID-19 situation sa buong mundo ay patuloy aniyang nagbabago ang virus at nanatili aniya ang panganib nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter