HINIHIKAYAT ngayon ng Department of Agriculture (DA) na kumain ang publiko ng itlog.
Ito’y upang matugunan din ang oversupply ng local production na naging sanhi sa pagbaba ng farm-gate price ng hanggang apat na piso bawat piraso.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, ang itlog naman ang pinakamurang source ng protein para sa mga Pilipino na nakabubuti ng kalusugan.
Makikipagtulungan na anila sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Nutrition Council (NNC) para sa promosyon nito.
Sinasabing nagkaroon ng oversupply dahil sa malamig na klima na angkop sa egg industry at dahil na rin sa low consumption ng publiko.