DA ibabalik ang maximum SRP sa karneng baboy sa Hulyo o Agosto

DA ibabalik ang maximum SRP sa karneng baboy sa Hulyo o Agosto

BATAY sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), nananatiling mataas ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ang liempo—halos nasa P500 pa rin ang bawat kilo habang halos P400 naman sa kasim at pigue.

Para kahit papaano ay bumaba ang presyo ng karneng baboy, minabuti ng DA na ang Food Terminal Incorporated (FTI) na lamang ang bumili ng karne direkta mula sa mga farm.

At ibabagsak umano ito sa mga palengke sa Metro Manila.

“I requested for a P500 million sa Malacanang. It’s on process but sa initial na ginagawa namin ngayon kasi may sariling pondo naman ang FTI at technically wala naman kaming lugi rito at puwede pang kumita ang FTI habang binababa ang presyo ng pork. Kami na nagpapakatay, kami na nagdadala sa retailer tapos ‘yung retailer ay may margin din siya at ‘yun parang pumasok kami as middleman na hindi kumikita,” saad ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., Department of Agriculture.

Bigong pangalanan ng DA ang mga farm na pinagkukuhanan ng suplay, pero ito anila ay nanggagaling sa Pampanga at Tarlac.

Sa ganitong paraan, umaasa ang ahensiya na mapipilitan ang mga pork retailer na magbaba ng kanilang presyo.

“We create competition so that’s so if we compete other retailers so dapat bumaba ang presyo,” dagdag ni Laurel.

Bukod pa riyan, nakatakda na ring ibalik ng DA ang implementasyon ng maximum SRP sa karneng baboy na binawi noong nakaraang buwan.

Ito’y matapos na mabigong pasunurin ng ahensiya ang ilang retailer sa Metro Manila.

“Ang target natin sa pork ay maibalik ‘yung MSRP ng pork by end of July or early August. But, it depends maybe delay a little bit depende kasi we have to set in the 38 Metro Manila public markets. We have to set up the freezer system, the trucks, the drivers and everything once that is in phase we will start,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble