INIHAHANDA na ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang magiging cloud seeding operations para sa mga lugar na lubos na apektado ng El Niño.
Ayon kay DA Asec at Spokesperson Arnel de Mesa, nauna nang isinagawa nila ang cloud seeding sa Quirino, Isabela partikular na sa Magat Watershed.
Ngayon, maaaring isagawa nila ang cloud seeding sa Western Visayas lalo na aniya na ito ang rehiyon na sobrang napinsala ng tagtuyot.
Sa kasalukuyan, nasa P2.26-B na ang kabuuang halaga ng intervention na binigay ng pamahalaan sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa 11 rehiyon.