Dagdag-ayuda, ipatutupad na para sa senior citizens ng Makati

Dagdag-ayuda, ipatutupad na para sa senior citizens ng Makati

SA patuloy na hangarin ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na mapabuti ang kalagayan ng mga senior citizen, isang bagong hakbang ang isinagawa upang maipadama ang tunay na malasakit at pagkalinga sa kanilang sektor.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na may maaasahang dagdag na tulong pinansyal sa gitna ng pagtaas ng gastusin at hamon sa araw-araw na pamumuhay ang ating mga senior citizen bilang pagkilala sa kanilang naging ambag sa lipunan.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 2025-104 na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod noong Hunyo 11, 2025 at nilagdaan ni Mayor Abby Binay, ipinatutupad ang karagdagang ₱1,000 cash incentive para sa mga senior citizen na kabilang sa Blu Card Program.

Simula ngayong Hulyo 2025, ang mga sumusunod na halaga ang matatanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo, na hinahati sa dalawang bigayan tuwing Hulyo at Disyembre kada taon:

Para sa mga may edad 60 hanggang 69 taong gulang, ₱4,000 ang kabuuang halaga ng ayuda.

Sa mga 70 hanggang 79 taong gulang, ₱5,000 ang matatanggap.

Habang ang mga nasa 80 hanggang 89 taong gulang ay makakatanggap ng ₱6,000.

Mas mataas naman ang insentibo para sa mga 90 hanggang 99 taong gulang, na aabot sa ₱11,000.

At para sa mga centenarians o 101 taong gulang pataas, ₱12,000 ang nakalaang halaga bilang pagkilala sa kanilang kahanga-hangang edad at ambag sa lipunan.

Patuloy rin ang aktibong pagtutulungan nina Vice Mayor Monique Lagdameo, Congressman Kid Peña, Congressman Luis Campos, at ng buong City Council upang matiyak ang maayos at makataong serbisyo para sa mga senior citizen ng lungsod.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble