ABISO para sa ating mga motorista! Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, Martes, Hunyo 3, ayon sa mga abisong inilabas ng ilang kumpanya ng langis.
GASOLINE – ₱0.40/L (ARROW UP-RED)
DIESEL – ₱0.30/L (ARROW UP-RED)
KEROSENE – ₱0.10/L (ARROW DOWN-GREEN)
Sa magkakahiwalay na abiso, inanunsyo ng Seaoil Philippines at Shell Pilipinas na magtataas sila ng presyo ng apatnapung sentimo kada litro sa gasolina at tatlumpung sentimo kada litro sa diesel, habang magbababa naman ng sampung sentimo kada litro sa kerosene.
Ipatutupad din ng Cleanfuel at Petro Gazz ang parehong price adjustments, maliban sa kerosene na wala sa kanilang produkto.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng adjustments simula alas-kwatro ng hapon sa parehong araw.
Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau, inaasahan na ang mixed price movement ng produktong petrolyo ngayong linggo ay bunsod sa posibleng bagong sanctions ng Estados Unidos laban sa Russia, pagluwag ng tensyon sa tariffs sa pagitan ng Estados Unidos at European Union, at inaasahang dagdag-produksyon ng petrolyo sa Hulyo.