SOLID na solid at napuno ng Filipino energy ang concert ng pambansang girl group na BINI, matapos itong dinagsa ng BLOOMS.
Dinala nila sa Dallas, Texas, ang BINIverse world tour para pasayahin ang mga Filipino Blooms noong June 10, 2025.
Naging successful nga ito kaya hindi nila nakalimutang ipaabot ang pasasalamat sa kanilang official social media accounts.
Ipinagdiwang din ng BINI noong Miyerkules ang kanilang 4th anniversary sa pamamagitan ng isang video call sa mga fans sa “Happy Blooms day” event sa ginanap sa Quezon City.
Walang humpay din ang pagpapasaya ng grupo sa BLOOMS, dahil inilabas na nila ang ikatlong edisyon ng BINIversus na puno ng iba’t ibang masasayang challenges.
This time dinala sila ni Gwen sa kanyang universe na pinamagatang “Gwen’s Beauty Brawl.”
Sa unang challenge, sumabak ang girls sa blind makeup challenge kung saan nakapikit sila while doing their makeup.
Inilabas naman nila ang pagiging artistic sa second challenge which is ang nail art.
At sa third and final challenge, sinubok nila a
And wait, there’s more dahil flinex din ni V ang swag moves kasama ang dancer and choreographer na si leejung Lee, na agad humakot ng more than 3 million views sa Instagram.