INIHAYAG ng AirAsia Philippines na umabot na sa 80% ang load factor ng kanilang ASEAN destination para sa 3rd quarter ng taong 2022.
Ayon sa AirAsia, magpapatuloy ang kanilang international flight flash sale sa halagang P411 pesos hanggang November 6, 2022.
Habang papalapit na ang buwan ng Disyembre ay lalong tumataas ang bilang ng mga pasaherong papaalis at pabalik ng Pilipinas.
Kinumpirma nito na parami na nang parami ang sakay ng kanilang international flights o nasa 80% na ng total capacity ang sakay sa 3rd quarter ng 2022.
Ibig sabihin bumubuti na at kumpiyansa na ang mga mananakay na maglakbay sa iba’t ibang dako sa labas ng bansa matapos manalasa ang pandemya ng 2 taon.
Batay sa average monthly seat sales mula Enero hanggang Setyembre, ang nangungunang international destination ng AirAsia alinsunod sa pagkakasunud-sunod na ranking ay Manila-Seoul, Manila-Bangkok, Manila-Kuala Lumpur, Manila-Singapore, at Manila-Bali.
Kamakailan ay idinagdag nito ang Taipei at Osaka sa listahan nito ng mga aktibong internasyonal na ruta.
“We are determined to achieve 100% of our pre-pandemic flight frequency to international destinations by the first half of 2023,’’ ayon kay Ricky Isla, CEO, President, AirAsia Philippines.
Ayon naman sa AirAsia Philippines na determinado sila na makamit ang 100% pre-pandemic flight frequency sa international destinations sa unang quarter ng 2023
Samantala, hinihikayat naman ng AirAsia Philippines na mag pabook nang maaga para maka-avail sa kanilang iniaalok na international flight flash sale na aabot sa P411 pesos na lamang.
Ayon sa AirAsia ang promo ay hanggang sa November 6 na lamang pero ang mga pasahero na maka-aavail ng naturang promo ay maaaring mag-book ng kanilang biyahe simula Nobyembre 2, 2022 hanggang Setyembre 30, 2023 sa pamamagitan ng AirAsia Super App.
Bukod sa P411 pesos na flash sale ay magkakaroon din sila ng piso sale.