Dating Pangulong Duterte, ‘living hero’ ng mga Pilipino—Pastor Quiboloy

Dating Pangulong Duterte, ‘living hero’ ng mga Pilipino—Pastor Quiboloy

SA maraming pagkakataon, ipinahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kaniyang paghanga kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Para sa kaniya, si Duterte ay isang pambihirang lider na nag-alay ng kaniyang buong buhay sa pagseserbisyo sa sambayanang Pilipino.

“President Rodrigo Roa Duterte is our modern Philippine hero with unsurpassed leadership for the Filipino people.”

“Napakagaling niyang pangulo at mahal na mahal niya ang Pilipino mula sa puso. [Wala akong nakikitang katunayan ng pagmamahal niya kundi ang ginawa na niya. Tunay na pagmamahal.] Isang, one in the million ang leadership ni Pangulong Digong with compassion and love who stood out for the Filipino. ‘Yun ang pinakadakila,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Bilang isang pinuno, kinilala si Duterte sa kaniyang matapang na paninindigan at hindi matinag na pagmamahal sa bayan. Ayon kay Pastor Quiboloy, walang kapantay ang liderato ng dating Pangulo pagdating sa tunay na malasakit sa mga Pilipino.

“Pangulo natin, for me, is a hero. Lahat ng ginawa niya heroic, hindi pa nagawa ng iba. Ang matapang sa revolution ng pagbabago. There is a Revolution of Change, we are living a Revolutionary Era.”

“It’s an Era of sweep and violent changes and ito, rather than lamenting vainly, we must decide whether we be the masters or the victims of change. Our President became the master of change,” giit ng Butihing Pastor.

Sa panahon ng matinding krisis sa bansa, nanindigan si Duterte sa prinsipyo ng paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng Pilipino. Ngunit ngayon, siya ay nahaharap sa mga kasong isinampa sa International Criminal Court (ICC)—isang hakbang na itinuturing ng marami bilang isang paraan ng panggigipit sa isang dating pangulong hindi nagpatinag sa dayuhang impluwensiya.

“He stood up for us. Hindi siya naging puppet sa iba kundi tumayo siya para sa atin, tumayo para sa kaliit-liitang Pilipino. Hindi siya alila ng iba, hindi siya puppet ninuman. ‘Yun ang napakaganda, tumayo siya para sa atin at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para tayo ay maging bansang may dignidad at komportableng pamumuhay.”

“Isa sa mga nakikita kong gift of God sa atin ay ang pamumuno ng ating Pangulo na gumawa ng mga hindi nagawa ng iba at siya ang nagpasimuno nito,” ani Pastor Apollo.

Habang patuloy na sinasagupa nina dating Pangulong Duterte at Pastor Quiboloy ang mga pagsubok, nananatiling matibay ang kanilang paninindigan para sa sambayanang Pilipino. Ang kanilang kuwento ay hindi lamang tungkol sa personal na pagkakaibigan, kundi isang patunay ng kanilang malasakit sa bansa—isang pagsubok na lalampasan nila nang may integridad at tapang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter