Dating presidente ng Panama, hinatulan ng mahigit 10 taong pagkakabilanggo

Dating presidente ng Panama, hinatulan ng mahigit 10 taong pagkakabilanggo

HINATULAN ng Panamian Court ng mahigit 10 taong pagkakakulong ang dating presidente na si President Ricardo Martinelli dahil sa kasong money laundering.

Ayon sa pahayag ng attorney general ng Panama, pinatawan ng multa na $19.2-M si Martinelli.

Tinawag ang kaso ni Martinelli na “New Business” dahil sa pagbili nito ng isang media company na umano’y mula sa kaban ng gobyerno.

Sinabi naman ng kampo ni Martinelli, isang pag-atake sa dating presidente ang hatol ng korte dahil lumabas ito matapos ideklara si Martinelli bilang official candidate ng 2024 Presidential Election ng Panama.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter