PAGSULONG sa karapatan ng mga kababaihan, magandang edukasyon at ang pagpapataas ng moral ng mga sundalo ang nais isulong ng isang dating sundalo sakaling palarin na manalo sa senado.
Malapit na ang 2025 midterm election, unti-unti naring dumarami ang mga politiko na nagpahayag ng kanilang pagtakbo para sa senatorial, congressional at local posisyon isa na nga rito si Retired Col. Ariel Querubin na tatakbo sa pagkasenador.
Ang kaniyang pagtakbo sa Senado ay suportado ng daan-daang opisyal, general, ex-AFP at PNP Chief.
Ang mga nabanggit na opisyal ay galing umano sa mga nakaraang administrasyon nina Arroyo, Aquino, Duterte at Marcos administration.
Aniya dahil sa sobrang hirap na nararanasan ng mga Pilipino at ang kurapsiyon ng mga nasa kapangyarihan ang nagtulak sa kaniya upang tumakbo ngayong darating na eleksiyon.
“Sawa na ang ating mga kababayan sa gutom at hirap, sawa na tayo sa patuloy na pagkataas ng bilihin sa kawalan ng trabaho para sa ating mga manggagawa sawa na tayo sa mga pang-aapi at panggigipit sa ating mga karapatan sawa na tayo sa pang-aabuso pagmamalabis at pagnanakaw ng ilang nasa kapangyarihan it is precisely this frustration that fuel our desire for change for a better future,” ayon kay Ret. Col. Ariel Querubin, Philippine Navy (Marines).
Bilang isang dating sundalo kung papalarin aniya itong manalo isa sa kaniyang isusulong ay ang modernisasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
“Kung tayo ay palarin sa Senado siyempre pagsinabi mo na imo-modernized ang Armed Forces hindi lang naman ‘yung mga equipment nila ‘yung gamit kundi pati ‘yung moral nila pati ‘yung pangangailangan nila dapat i-modernized mo rin,” ani Querubin.
Tungkol naman sa tanong kung ano ang kaniyang magiging paninindigan sa mga pinag-aagawang teritoryo.
“Sa akin, sa pananaw ko ‘yung problema cannot be solved militarily. Hindi rin puwede na masolba ito gaya ng pagpapakalat na giyera-giyera walang may gusto nh giyera at walang gaganda na paraan kundi sa diplomasiya,” dagdag pa nito.
Si Ret. Col. Querubin ay kasalukuyang miyembro ng Nationalista Party ngunit handa aniya itong makipag-alyansa sa ibang partido na may kaparehong layunin at misyon para sa mga Pilipino.
“Wala pa kaming napag-usapan na party although I’m still in the Nationalista Party. Baka tanong ninyo ‘yung mga alliences well ako ang tinututukan ko ngayon pangangailangan ng sambayanang Pilipino kung ano ba ‘yung gusto nila at kung ano ba yung maitulong natin sa kanila. So, ‘yung mga alliences darating siguro ‘yan pero definetily dun tayo sasama na kapareho ng values natin at vision para sa bansa.” Saad pa nito.
Maliban sa mga nabanggit nais din isulong ni Ret. Col. Querubin kapakanan at karapatan ng mga kababaihan, edukasyon at pagsawata sa iligal na droga.