Davao City, alerto pa rin sa Mpox sa kabila ng mga gumaling na pasyente

Davao City, alerto pa rin sa Mpox sa kabila ng mga gumaling na pasyente

MULA unang araw ng Enero hanggang Hunyo 2, naitala na ang pitong kumpirmadong kaso ng Mpox sa lungsod, ayon sa Davao City Health Office.

Kabilang na rito ang apat (4) na nakarekober at na-discharge ibig sabihin, wala na silang sintomas at hindi na nakahahawa.

Lahat ng kaso ay nasa stable condition habang patuloy na minomonitor sa isolation.

Tinatayang apatnapu’t siyam na close contacts ang nadokumento. Tatlumpu’t lima sa kanila ay nakatapos na ng dalawampu’t isang-araw na monitoring nang walang sintomas. Ang labing apat (14) na iba pa ay patuloy pa ring sinusubaybayan.

Ayon kina Dr. Sofia Zafra, idinidiin ang mahigpit na implementasyon ng minimum health protocols gaya ng husto at dalawang‑minutong paghuhugas ng kamay, paggamit ng sanitizer, pagdidisimpekta ng madalas na hinahawakan na surfaces, at pag-iwas sa close physical contact.

Payo naman ng Health Office, agad mag-isolate at magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas tulad ng rash, lagnat, pananakit ng katawan at pamamaga ng lymph nodes. Regular na magsagawa ng proper hygiene at iwasan ang matataong lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble