DBM, isusumite na ang panukalang P5.268 trillion 2023 national budget sa Kamara ngayong umaga

DBM, isusumite na ang panukalang P5.268 trillion 2023 national budget sa Kamara ngayong umaga

NASA House of Representative na ang panukalang P5.268 trillion national budget para sa taong 2023.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang pondo sa Kamara.

Isinumite aniya ang National Expenditure Program (NEP) sa pamamagitan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ang turnover ceremony ay gagawin sa social hall ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez.

Samantala, pinakamataas na nakakuha ng budget allocation ang Department of Education na umaabot sa P852-B batay sa panukalang 2023 national budget.

Nakakuha naman ng P10-B allocation ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

P184-B ang sektor ng agrikultura; P167.1-B ang para sa transportasyon.

P100.2-B para sa national health insurance habang P30.5-B ang para sa National Rice Program.

 

Follow SMNI News on Twitter