De Lima, “cleared” na sa lahat na drug-related cases nito

De Lima, “cleared” na sa lahat na drug-related cases nito

CLEARED na ang dating senador na si Leila de Lima sa lahat ng drug-related cases nito.

Nitong Hunyo 24 nang pinanigan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Brach 206 ang demurrer to evidence ni De Lima para sa kaniyang ikatlo at huling drug trading conspiracy.

Ibig sabihin nito, batay na rin sa inihain ng kampo ni De Lima, nakita na walang sapat na ebidensiya para patotohanan ang huling drug case laban sa kaniya kung kaya’t kailangan nang ma-dismiss.

Samantala, inihayag na nito na wala siyang planong tumakbo bilang senador ngayong 2025 midterm elections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble