Deadline ng paghahain ng SOCE, walang ekstensyon—COMELEC

Deadline ng paghahain ng SOCE, walang ekstensyon—COMELEC

HUNYO 11, ang huling araw ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE), at ayon kay COMELEC Chairman George Garcia—wala nang palugit, walang ekstensyon.

Ang lahat ng kandidato, panalo man o talo, ay inaatasang magsumite ng detalyadong ulat sa kanilang mga ginastos at tinanggap na donasyon sa nagdaang halalan.

Sa datos ng COMELEC, 41,464 ang kabuuang bilang ng mga kumandidato sa halalan, ngunit 25% pa lamang ang nakapagsumite ng SOCE.

Sa mga kumandidato sa pagka-senador, 21 pa lang sa 64 ang nakapaghain ng kanilang SOCE, habang 63 naman sa 156 partylist groups.

Sa lokal na antas, 10,454 pa lang sa 41,215 na kandidato ang nakapagsumite.

Babala ni Garcia may kaakibat na parusa ang hindi pagsusumite ng SOCE.

Sa unang paglabag, maaaring pagmultahin; ngunit sa ikalawang pagkakataon, posibleng patawan ng habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Una nang sinabi ng COMELEC na ang lahat ng SOCE ng mga kandidato ay maisasapubliko sa kanilang official website.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble