IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang special non-working day sa mga Pilipino ang Disyembre 26.
Sa ilalim ng Proclamation No. 425, sinabi ng Pangulo na ito ay magbibigay ng oportunidad sa bawat pamilyang Pilipino na makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at mas lalong tumibay ang kanilang relasyon tungo sa isang mas maayos na sosyedad.
Bukod dito, idinagdag din ng Pangulo na ang long weekend ay magsusulong sa lokal na turismo ng bansa.