Humiling ang defense team ni Vice President Sara Duterte sa impeachment court ng subpoena para sa apat na nais nitong iharap na witnesses sa pagpapatuloy ng trial sa Nobyembre 19 at 20.
Kabilang sa mga ito ang isang abogado mula sa AML Consulting PH, isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), isang opisyal ng Food and Drug Administration (FDA) at kinatawan ng CITEM.
Inaasahang magbibigay ang mga ito ng testimonya kaugnay ng legal provisions ng Anti-Money Laundering Act at registration ng CALE88 Foods Corporation.
Saklaw rin ng kanilang testimonya ang product registration ng sweetened banana chips at mga communication ng CITEM sa nasabing kompanya.
Ayon sa prosecution panel member na si Manila Representative Joel Chua, wala pa siyang ibang detalye tungkol sa kahilingan ng depensa.
Nauna nang sinabi ng defense team na mayroon pa itong walo hanggang 10 witnesses na ihaharap sa impeachment trial.
