Inamin ng top scorer sa Certified Tax Accountancy Exam sa South Korea na si Han Won-seok, 34-anyos, ang pandaraya gamit ang miniature camera, cellphone at artificial intelligence (AI).
Nakakuha si Han ng 397.5 points sa 400 sa unang bahagi ng exam, na nagdulot ng hinala at online speculation tungkol sa posibleng cheating.
Ayon sa kaniyang pag-amin, kinunan niya ng larawan ang mga exam questions gamit ang microcamera at ipinadala sa AI para i-check ang kaniyang mga sagot.
Humingi rin si Han ng apology sa ibang examinees na nakapasa nang patas, dahil nadamay ang mga ito sa kontrobersiya.
Ayon sa South Korean government, pagbabawalan nang limang taon na kumuha muli ng exam at kakanselahin ang qualification ng mga mapapatunayang gumamit ng AI sa pandaraya.
Iniimbestigahan na ng Seoul Metropolitan Police Agency ang insidente, habang naghahanda ang pamahalaan ng mas mahigpit na measures laban sa cheating sa mga national exam.
