DUMATING na sa Qatar ang delegasyon ni Israeli Mossad Chief David Barnea para dumalo sa pinakalatest na Gaza ceasefire talks.
Ang pagpupulong na ito ay itinuturing na pinaka-kritikal dahil dito na magkakaroon ng desisyon kung magkasundo ba ang Israel at Hamas para sa isang ceasefire.
Kasama ng Israel dito para talakayin ang Gaza ay ang representatives ng Qatar, Egypt at Estados Unidos.
Mapapansing mahigit 38, 200 Palestinians na ang nasawi dahil sa Gaza War.
Nasa 88, 000 rin ang sugatan dahil sa digmaan.