MALAKI ang tsansa na tataas ang kaso ng dengue ngayong tag-ulan.
Ayon kay Department of Health (DOH) Asec. Albert Domingo, madalas na tumataas ito sa buwan ng Hulyo at Agosto.
Dahil dito, sinabi ni Domingo na huwag pakampante at hinikayat ang publiko na mag-ingat para makaiwas sa sakit.
Sinabi naman ng DOH na bumaba sa 3,992 ang dengue cases mula Mayo 12-25, 2024.
Kumpara sa 5,359 noong Abril 28 hanggang Mayo 11.