NAGBIGAY babala ang Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng pagkakaroon ng dengue outbreak ngayong taon.
Batayan ng naturang pahayag ang pagtaas sa 75% ng naitalang dengue cases ngayong taon kumpara noong taong 2024.
Kung sisilipin, mula Enero 1 hanggang Marso 15 ay umabot na sa mahigit 76K na dengue cases kumpara sa mahigit 42K noong nakaraang taon.
Sa pag-aaral pa ng ahensiya, nagkakaroon ng dengue outbreak ang Pilipinas kada tatlo hanggang limang taon kaya nararapat na maging maingat ang publiko laban sa sakit.
Huling nagkaroon ng outbreak ang Pilipinas noong taong 2019.
Follow SMNI News on Rumble