DENR NCR, nagsagawa ng inspection at validation sa Malabon Zoo at Wildlife Rescue Center

DENR NCR, nagsagawa ng inspection at validation sa Malabon Zoo at Wildlife Rescue Center

NAGSAGAWA ng inspection and validation ng Quarterly Breeding Report sa Malabon Zoo, Aquarium and Botanical Garden, and Wildlife Rescue Center ang mga kawani ng Enforcement Division ng DENR National Capital Region bilang parte ng probisyon ng kanilang Clearance to Operate (CTO) permit.

Ginagawa ang compliance monitoring sa mga zoological park na ginawaran ng CTO permit—isang permit na nagbibigay ng karapatan na gamitin ang mga wildlife species para sa mga layuning recreation, education, at conservation ng mga ito—upang ma-validate ang bilang ng mga supling, namatay, karagdagang stocks at disposal ng isang permittee.

Ilan sa mga naobserbahan na hayop sa pasilidad ay ang White Tiger, Lions, Orangutan, Warty Pigs, Philippine Deers, Philippine Hawk Eagle, Grass Owl, at iba pa.

Samakatuwid, ang ganitong gawain ay isinasagawa ng DENR-NCR upang mapangasiwaan ang pasilidad, operasyon, at maintenance ng mga establisyemento upang ang layuning mapangalagaan, magamit sa wasto at angkop na hangarin, at maprotektahan ang mga wildlife species ay siguradong ginagampanan ng mga nabigyan ng nasabing permit na alinsunod sa Republic Act 9147 o mas kilala sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble