PINAPALAKAS ngayon ng Department of Education (DepEd) ang mga programa na magtitiyak na mayroong access ang mga mag-aaral sa masustansyang pagkain at edukasyong agrikultural.
Kabilang sa mga programang ito ang school-based feeding program, gulayan sa paaralan, at farm school projects.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasama ng nutrisyon, agrikultura, at values education upang matulungan ang mga mag-aaral na maging malusog, may kasanayan, at may malasakit na mga Pilipino.
Umaasa ang DepEd na ang mga inisyatibo nila ay magbibigay ng kontribusyon sa paghubog ng isang henerasyon ng mga responsableng mamamayan.