DepEd, nakipag-ugnayan sa mga eksperto para maihanda ang mga mag-aaral sa PISA 2025

DepEd, nakipag-ugnayan sa mga eksperto para maihanda ang mga mag-aaral sa PISA 2025

NAKIKIPAG-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa mga eksperto na maaaring makagawa ng mga pasulit para maihanda ang mga mag-aaral na sasabak sa Programme for International Student Assessment (PISA) sa 2025.

Ayon kay DepEd Sec. Sonny Angara, ito’y para mapaunlad ang rankings ng Pilipinas dito kumpara noong 2022.

Mapapansin na noong 2022, sa Mathematics ay ika-anim mula sa dulo ng rankings ang bansa; sa Science ay ikatlo ito mula sa dulo ng rankings; habang sa Reading ay ika-anim din ito mula sa dulo.

Samantala, nasa 1.6 milyon na mga mag-aaral mula sa public schools ang tinatayang sasabak sa PISA sa Marso 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble