MAGSISIMULA na sa Abril 4, 2025 ang deployment ng 110,000 Automated Counting Machines (ACMs) at mga official ballots na gagamitin sa midterm elections.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), uunahin nila ang mga malalayong lugar.
Hanggang Marso 31, halos kalahati ng kabuuang bilang ng ACMS ay isinailalim na sa pre-election logic and accuracy tests bilang paghahanda sa nalalapit na eleksiyon.
Samantala, 68,542,564 mula sa 72M na kailangang balota ang naimprinta na.
Follow SMNI News on Rumble